Pagbisita sa mga tourist destination sa Isabela, tangkilin

Hinihikayat ng Isabela Tourism Office ang mga Isabeleño na kunin ang pagkakataon ngayong bakasyon upang bisitahin ang iba’t ibang mga tourist destinations sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Cauayan kay Joan Dy Maranan, ang Tourism Head ng Isabela, napakarami aniyang offerings ng lalawigan sa turismo, maging sa mga pagkain, at mga lumang simbahan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, magandang oportunidad ito upang masulit ng mga bata ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pag-eenjoy sa mga nature offerings ng probinsiya.

Ilan sa mga trending na tourist spots sa Isabela ay ang Ilog sa Dimasilong, Abuan River, Giant Butaka sa Lungsod ng Ilagan, at marami pang iba.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaugnay nito, nagkaroon naman ang Lungsod ng Ilagan ng Familiarization tour na nilahukan ng iba’t ibang mga vloggers kung saan inikot nila ang mga spots sa lungsod bilang bahagi ng “Authentic City of Ilagan” na siyang pinakabagong tourism circuit ng Lalawigan.