Toll fee sa CAVITEX C5 Link interchange – libre muna sa loob ng isang buwan

Kumpyansa si Pangulong Bongbong Marcos na mapapaunlad ang road network connectivity ng mga lugar malapit sa Metro Manila kasunod ng pagbubukas ng mga dagdag na link sa Cavite Expressway o CAVITEX.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng CAVITE C5 Link interchange, sinabi ng Pangulo na mapapagaan nito ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Kabilang dito ang groundbreaking ng CAVITE-CALAX link mula Kawit, Cavite at ang CAVITEX C5 link segment 3B, at ang pagbubukas ng CAVITEX C5 link Sucat Interchange.

Sa oras naman na matapos ang construction ng CAVITEX C5 Link expressway segment 3B, mababawasan nito ang travel time ng mga motorista sa sampung minuto mula sa kasalukuyang 40mins patungong SLEX/C5 road.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Samantala, inanunsyo rin ni Pangulong Marcos na inirekomenda ng Philippine Reclamation Authority na hindi muna maniningil ng toll fee sa loob ng isang buwan sa lahat ng uri ng vehicles na dadaan sa CAVITEX C5 Link interchange sa Sucat Parañaque.