Pagbasura sa plunder case nila Enrile – kinundena

Pumalag si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan na nagpapawalang-sala kina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dati nitong chief-of-staff na si Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles sa 172 million-peso plunder case.

Ayon kay Brosas, nakababahala ang “trend” sa justice system ng bansa kung saan natatakpan ng kapangyarihan sa pulitika at impluwensiya ang hustisya at pananagutan.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Magsisilbi aniyang mapanganib na precedent ang acquittal dahil maaari nang maiwasan ng isang indibidwal na may makapangyarihang koneksyon ang hustisya at maipapasa sa taumbayan ang bigat ng systemic corruption.

Paliwanag ng kongresista, hindi lamang minamaliit ng desisyon ang pagsisikap na sugpuin ang katiwalian kundi binibigyan pa ng kumpiyansa ang sinumang mali ang paggamit ng pondo.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Binanggit pa nito na sa pagbusisi ng panukalang pambansang budget ay naibunyag umano ang unprogrammed appropriations bilang bagong uri ng pork barrel sa ilalim ng administrasyong Marcos at confidential funds na hindi pa nasusuri.

Dahil dito, nanawagan si Brosas sa publiko na maging mapagmatyag at ipanawagan ang pananagutan sa public officials at huwag hayaang ang paghahanap ng hustisya ay madaan lamang sa impluwensiya.