Pagbaha sa Libon, Albay dahil sa Bagyong Kristine – itinuturing na pinakamalala sa kasaysayan

“Pinakamalala.”

Ganito inilarawan ng lokal na pamahalaan ng Libon, Albay ang nangyaring pagbaha sa kanilang lugar mula pa kahapon bunsod ng halos magdamagang pag-uulan dahil sa Bagyong Kristine.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Das Maronilla, sinabi niya na tinalo pa nito ang Bagyong Reming na humagupit din sa Bicol ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Maronilla, signal no. 1 pa lamang kasi ay lubog na sa baha ang lahat ng mga barangay sa bayan, anupa’t may ilang mga rescuers mula sa Office of the Civil Defense at Philippine National Police ang hindi na nakapasok sa lugar dahil sa tindi ng pagragasa ng tubig baha at lakas ng current.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Marami din umano ang kasalukuyang nasa evacuation centers na umabot sa 3,000 na mga inidibidwal, pero sa record na ito ay hindi pa kasama ang mga na-trap.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, binigyang-diin din ni Maronilla na hindi naman nagkulang ang kanyang tanggapan sa pagpapalikas sakanila bago pa dumating ang bagyo.

Pero ang naging problema, kahit pa lumikas ang mga residente, hindi pa rin nakaligtas sa baha ang kanilang pinaglipatan dahil pumasok pa rin umano ang tubig.

Sa ngayon, pinaalalahanan pa rin ni Maronilla ang kanyang mga residente na maging kalmado pa rin sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. (WITH REPORTS FROM ALYZZA BALLON – 91.5 BNFM LEGAZPI)