Maraming kalsada at tulay sa Bicol Region, hindi ngayon madaanan dahil sa epekto ng Bagyong Kristine

Hindi ngayon madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang maraming kalsada at tulay sa Region 5 o Bicol Region.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council, 89 na mga kalsada at 10 tulay sa rehiyon ang hindi passable dahil sa landslide.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Pinakamarami sa mga apektadong daan ay sa Camarines Sur, Mayroon din sa Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Albay, at Camarines Nort.

Bukod dito, 28 lugar din sa Bicol Region ang kasalukuyang walang suplay ng kuryente.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Bumagsak din ang linya ng komunikasyon, partikular sa bayan ng Garchitorena sa Camarines Sur.

Patuloy ang ginagawang assessment ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council upang matukoy ang kabuuang pinsala na idinulot ng bagyo.