Umabot sa 91 na mga lugar sa Eastern Visayas ang lubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Kristine.
Sa datos na nakuha ng Brigada News FM Tacloban, lubog sa baha ang ilang barangay sa bayan ng Jipapad, Oras, San Policarpo, at Can Avid ha Eastern Samar, ganun rin sa mga bayan ng San Roque, Catubig, San Antonio, Bobon, Catarman, Lope de Vega, at Mapanas sa Northern Samar, samtalang binaha rin ang ilang barangay Villaba at Calubian Leyte.
Umabot rin 893 na pamilya ang nag-evacuate sa Samar, 364 sa Northern Samar, 164 ha Eastern Samar, 321 sa Leyte, 39 sa Biliran, at 26 ha Ormoc.
Hindi parin madaanan ang dalawang kalsada sa Jorge at Matuguinao, Samar, dahil sa landslide.
Samantala patuloy paring walang pasok sa mga paaralan sa dahil sa bagyo, at sa ngyon magiging madilim ang gabi ng 19 na bayan nga Easterm Samar at limang bayan ng Northern samar dahil wala paring supply ng kuryente. (WITH REPORTS FROM JASON DELMONTE – 93.5 BNFM TACLOBAN)