Pagbaha, naranasan ng maga naninirahan sa ilang mga barangay sa Camalig at Guinobatan

LEGAZPI CITY – Rumaragasa at pagtaas ng tubig ang naranasan ng mga residente ng ilang barangay sa bayan ng Camalig at Guinobatan ang nakaranas ng pagbaha buhat ng matinding mga pag-ulan, kung saan isa sa mga ito ay ang bahagi ng P-5, Brgy. Bubulusan, Guinobatan, Albay.

Ayon sa mga residente, tuwing umuulan ay lagi silang nakakaranas ng pagbaha sa kanilang lugar.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nagkaroon rin ng landslide sa bahagi ng Brgy. Morera ng nasabing bayan dahil sa buhos ng ulan na naging sanhi rin ng matinding traffic ng mga sasakyan.

Agad naman inaksyunan ng MDRRMO ng 3rd District of Albay, DPWH at PNP para maibalik sa normal ang daloy ng mga sasakyan.

Hindi rin nakaligtas ang Brgy. Bariw, Camalig, Albay, kung saan pinasok ng tubig-baha dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinabi ng mga residente, noong kasagsagan pa umano ng bagyong Quinta at Rolly nila naranasan ang negatibong epekto ng dike sa kanilang lugar.

Muling panawagan nila sa lokal na pamahalaan ng Camalig, bigyang-pansin at aksiyon ang paulit-ulit na problema sa baha.