LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Local Government Unit (LGU) ng Daraga at Municipal Agricultural Services Office (MASO) ng paghuhuli samga asong kalye sa Bicol International Airport (BIA) sa Brgy. Tabon-Tabon ng nasabing bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Daraga, napansin ng mga ito na maraming mga asong kalye ang pakalat-kalat sa paliparan.
Aniya, maaari rin umano itong magdulot ng peligro sa mga turista at nagkakalat rin umano ito ng dumi sa kalsada.
Ang panghuhuli ng mga hayop ay bahagi ng Community Dog Elimination ng Livestock Development Program (LDP).
Ang mga nahuhuling aso ay pansamantalang ilalagay sa temporary dog shelter sa Brgy. San Ramon habang naghihintay na i-claim ng mga may-ari.
Kapag walang nag-claim ng hayop ay dadalhin ito sa Provincial Dog Pound sa Malinao Albay.
Nananawagan ang nabanggit na opisina na maging responsable sa pag aalaga ng kanilang aso at iba pang hayop.