Pagbabawal sa substitution ng mga kandidato – aprubado na

Unanimous ang naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) en banc na higpitan ang proseso sa pagsa-substitute sa mga kandidato.

Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia, nakinig ang poll body sa kaniyang proposal na ‘di na dapat nagkakaroon pa ng biglaang palit-kandidato.

Sahil dito, ang substitution ng kandidato, ay pahihintulutan na lamang sa huling araw ng filing ng candidacy.

Ang filing ng mga certificate of candidacies (COCs) ay itinakda sa October 1-8.

Dapat din daw ay ‘withdrawal’ lang ang grounds para rito.

Papayagan naman ang palit-kandidato sa naturang period basta ba’t namatay, ‘o na-disqualify ang kandidato hanggat pareho sila ng family name, at pareho ng partido.

Kaya naman payo niya sa mga kandidato – harapin na ang publiko, at ‘wag nang magpalit-palit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *