Cybercrime complaints, bumaba ng halos 30% ayon sa ACG

Bumaba ng 29.9 oercent ang Cybercrime complaints na natanggap ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Ayon kay Acting ACG Director Police Brig. General Ronnie Francis Cariaga, ito’y base sa datos mula January 1 hanggang May 9 kung saan 6,151 reklamo ang naitala, kumpara sa 8,775 reklamo sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang cybercrimes na may pinakamalaking ibinaba ay ang Online Selling Scam, Investment Scam, at Phishing Scam.

Sinabi ni Cariaga na ang pagbaba ng kask ay nagpapakita ng progreso sa pagtugon sa mga “digital threat” at sa pagpapatupad ng “cybersecurity measures” ng pamahalaan.

Ipinapakita aniya nito ang kahalagahan ng patuloy na kolaborasyon, kooperasyon at pagiging alerto ng lahat ng sektor ng lipunan laban sa “cyber risks”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *