Halos 11M ng mga kabataan ang hindi nakapapasok sa eskwelahan.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mahigit 10.7 milyon ang bilang ng mga out-of-school children and youth (OSCY).
51.3% sa mga ito ay mga lalaki, habang 48.7 naman ang mga babae.
Nakuha ang datos mula sa 42.8 milyong household population na may edad na 5 hanggang 24-anyos.