Pagbabawal ng e-bikes sa pangunahing kalsada, sasabayan ng tigil-pasada sa Lunes

Pagbabawalan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko sa paggamit ng mga e-bikes, e-trikes, at iba pang katulad na sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila simula Lunes, Abril 15.

Sisingilin ng P2,500 na multa ang mga lalabag sa panuntunan, ngunit i-impound naman ang mga ito para sa mga walang lisensya o walang dokumento sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, wala na silang ipapataw na extension hinggil rito, sa kabila ng kahilingan ng ilang transport groups na i-delay muna ang ban na ito.

Samantala, sasabayan nito ang tigil-pasada ng mga transport groups na PISTON at MANIBELA sa gitna ng nalalapit na deadline para sa consolidation ng mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUV).

Inaasahang nasa 30,000 jeepney drivers sa National Capital Region (NCR) ang makikilahok at hindi bababa sa 100,000 naman sa iba pa sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *