MANIBELA – umaasang pakikinggan sila ni PBBM; Tigil-pasada – tuloy!

Tuluy na tuloy na ang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at PISTON simuila sa Lunes.

Sabi ni MANIBELA national president Mar Valbuena – inaasahang aabot sa humigit-kumulang 100 na mga jeepney drivers at operators ang lalahok sa kanilang nationwide na transport strike.

Kasado rin umano ang hiwalay pang protesta sa April 30 – ang huling araw para sa franchise consolidation para sa PUV modernization program.

Dahil dito – umaasa raw silang kahit papaano ay pakikinggan pa rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang hinaing ng mga tsuper at operator.

Matatandaang unang sinabi ni Marcos na pinal na ang desisyon ng pamahalaan na ‘di na i-extend ang deadline sa katapusan ng Abril.

Grupong ALTODAP, ‘di na raw naniniwala sa tigil-pasada

Hindi makikiisa ang grupong Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) sa gaganaping tigil-pasada ng ilang transport group.

Ayon kay ALTODAP president Melencio “Boy” Vargas, hindi na uso ngayon ang strike!

Matapos ang pakikiisa sa mga strike noon, nanawagan si Vargas na huwag nang pahirapan ang mga mamamayang komyuter.

Binigyan naman din daw kasi ng pamahalaan ang mga rivers at operators ng pagkakataon, pero hindi ang mga ito sumunod.

Sa Lunes, ikakasa ang panibagong tigil-pasada ng grupong PISTON at MANIBELA bilang pagtutol pa rin sa PUVM Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *