Hinihinalang marijuana, nasamsam sa tatlong lalaki sa Sampaloc, Quezon

Arestado ang tatlong lalaki matapos makumpiskahan ang mga ito ng hinihinalang marijuana sa Barangay Bataan, Sampaloc, Quezon nitong Huwebes, Abril 13.

Sa pamamagitan ng drug buy-bust operation, nadakip ang tatlong lalaki na pawang mga residente ng Lucban, Quezon.

Nasamsam mula sa mga ito ang mga sachet ng marijuana na nasa 40 gramo ang timbang at maging ang isang (1) vape na naglalaman ng hinihinalang marijuana juice.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya na ng awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *