Pagbabalik ng Pilipinas sa dating school calendar, suportado ni PBBM

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maibalik na nang tuluyan sa dating school calendar ang pasukan ng mga mag-aaral sa bansa.

Ito ay matapos sabihin ng Department of Education (DepEd), na pinamumunuan ni VP Sara Duterte, na mangyayari ang full transition ng school calendar sa 2026.

Ayon kay Pang. Marcos, hanggat maaari ay gusto niyang ibalik sa dati ang panahon ng pagpasok ng mga estudyante sa mga paaralan.

May concensus din aniya na mas maganda ang dating schedule.

Mababatid na isang hamon sa kasalukuyang school calendar ang pagpasok ng mga mag-aaral sa schools sa buwan ng March at Abril – panahon kung kailan nakararanas ng matinding init ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *