Gadon: kasuhan ang nasa likod ng pekeng dokumento laban kay PBBM

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na kasuhan ang mga nasa likod ng pekeng dokumento laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pilit isinasangkot sa isyu ng ilegal na droga.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Inihayag ng kalihim na lumiham na siya kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo upang maaksyunan ang naturang isyu.

Ayon kay Gadon, bagama’t itinatanggi ng pdea ang pagkakasangkot ng punong ehekutibo sa isyu ng iligal na droga ay hindi pa rin ito sapat.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dapat aniyang mapanagot ang mga nagkakalat ng pekeng dokumento dahil nakakaapekto rin ito sa imahe at integridad ng PDEA.