Chinese envoy, kokomprontahin ni PBBM tungkol sa ‘gentleman’s agreement’

Nakatakdang ipatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian, para komprontahin kaugnay sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na malaman ang katotohanan hinggil sa mga usapin na ito, at nais niyang magkaroon ng linaw mula mismo sa opisyal ng China.

Inaantay lang nilang makabalik ang Chinese officials mula sa Beijing, para maipatawag ito sa Palasyo.

Ang layunin ng Pangulo ay maipaliwanag ni Huang kung sino ang mga sangkot sa nasabing kasunduan at kung ito ba ay opisyal na napagkasunduan o simpleng personal na usapan lamang ng dating Pangulo.

Nakikipag ugnayan naman anya sila sa kampo ni dating Presidente Duterte pero wala pa silang natatanggap na sagot mula rito.

Una nang pinasinungalingan ni dating Presidential legal chief counsel ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo na walang namagitang gentleman’s agreement sa pagitan ng Pilipinas at China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *