Pagbabakuna sa pediatric population sa Catanduanes, pinaghahandaan na

BNFM BICOL— Nananawagan ngayon ang mga pediatrician sa Catanduanes sa mga magulang ng mga batang edad  12-17 anyos na may comorbidity, na kunan na ang kanilang mga anak ng medical certificate sa mga doktor sakani-kanilang bayan.

Ito ay kaugnay ng nalalapit na pag-arangkada ng ‘Pediatric A3  COVID-19 vaccination’ sa lalawigan na nakatakdang gawin sa mga susunod na linggo.

Batay kase sa Circular No. 2021-0464 ng Department of Health, ang mga  batang nais magpabakuna mula sa nasabing aged group at mayroong comorbidities ay kinakailangang mag secure ng kanilang medical certificate na ipi-presenta sa registration area sa araw ng kanilang vaccination schedule.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Batay rin sa inilabas na guidelines ng ahensya, ang mga batang maikokosiderang kabilang sa naturang priority group ay ang mga may pre-existing conditions o sakit katulad ng cardiovascular diseases; chronic respiratory diseases; renal disorders at marami pang iba.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Catanduanes ang pagdating ng bakunang inilaan ng gobyerno para sa nasabing age group sa lalawigan at anumang araw na dumating ito ay agad na sisimulan ang pagbabakuna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ngayon ang puspusang vaccination effort sa Catanduanes kung saan batay sa huling ulat ng PHO, nasa mahigit 40% na ng population coverage sa isla ang naturukan ng bakuna habang nitong nakaraang linggo, umabot sa halos 6,000 na mga indibidwal ang nabakunahan sa loob lamang ng limang araw.###