Tumutulong pa rin ngayon ang ilang personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa vaccination team ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Ito ay upang mapabilis ang pagbabakuna at maabot ng lalawigan ang target na herd immunity.
Ayon sa BFP, anim na personnel nila na pawang registered nurse ang naka- deploy sa CNPH upang tumulong sa pagbabakuna simula pa noong Agosto.
Kapag may dumarating na bakuna ay nasa CNPH ang mga ito nagseserbisyo at kapag wala namang bakunahan ay nagdu- duty sa kani- kanilang Municipal Fire Station kung saan sila naka- assign.
Nagmula ang mga BFP personnel na bahagi ng Provincial Vaccination Team sa Basud Fire Station na mayroong tatlo, at tig- iisa naman ang nagmula sa San Lorenzo Ruiz, Mercedes at Capalonga.
Ang mga nasa Fire Station naman ay tumutulong sa mga Lokal na Pamahalaan lalo na sa crowd control kapag may bakunahan.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 245, 781 na ang natanggap na vaccine doses ng lalawigan hanggang noong November 4.
Sa bilang na ito, 87 % ang nakatanggap na ng first dose at 49 % ang nakapag second dose na.
