88 mga bagong kaso at 23 recoveries sa COVID-19, naitala nitong weekend sa Catanduanes

BNFM BICOL—Mag-iisang linggo matapos na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Catanduanes.

Katunayan nitong weekend, umabot sa 88 ang bilang ng mga bagong naitalang kaso, dahilan upang sumampa na sa 2,501 ang kabuuang kaso ng sakit sa isla.

Nitong Sabado, 44 na bagong kaso ang naidagdag sa Catanduanes kung saan 13 nito ang mula sa bayan ng Bato; 12 sa San Andres; siyam sa Virac; apat sa Caramoran habang may tig da-dalawa naman ang  mga bayan ng Bagamanoc, Gigmoto at Pandan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala kahapon araw ng Linggo, 44 rin ang naitalang mga bagong nag positibo sa sakit kung saan 13 nito ang mula sa Virac; 12 sa San Andres; siyam sa Gigmoto; apat sa Caramoran; dalawan sa Viga habang tig-iisang kaso naman ang mula sa mga bayan ng Bagamanoc, Baras, Bato at Pandan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, nasa 23 naman ang bilang ng mga bagong gumaling nitong weekend habang wala namang naiulat na mga bagong nasawi.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang paalala ng ahensya sa publiko na matamang sundin ang mga umiiral na health protocols at makiisa sa nagpapatuloy vaccination upang mapigilan ang patuloy pang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit sa islang lalawigan.###