Pagbabakuna sa mga kabataan sa Isabela, puspusan

Puspusan na ang ginagawang pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga kabataan na edad 12-17 anyos kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Governor Rodolfo Albano III sa network briefing ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa gobernadora, dumarami na ang mga dumarating na Pfizer vaccine sa probinsya kaya naman bumibilis din ang vaccination sa mga kabataan.

Aniya, tinatayang nasa 3,000 na ang nabakunahan na minors sa probinsya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito rin ay bilang paghahanda umano sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna sa iba pang priority group sa lalawigan at naalis na aniya ang agam-agam ng mga mamamayan pagdating sa bakuna.