Mga bala at pampasabog narekober sa Barcelona, Sorsogon

SORSOGON CITY – Umabot sa 56 na rounds ng 5.56MM, isang Molotov at 30 metros na wire para sa anti-personnel mine (APM) na  hinihinalang naiwan ng mga kasapi ng NPA ang narekober ng tropa ng pamahalaan, Martes ng umaga sa Brgy Olandia sa bayan ng Barcelona, Sorsogon.

Sa text message na natanggap ng Brigada News mula sa 31st Infantry Battalion, nakasagupa umano nila ang mahigit-kumulang 20 miyembro ng NPA na pinangunahan ni Arnel Estiller alias Mando, sekretaryo ng Larangan 2, Komite Probinsyal 3 ng Bicol Regional Party Committee.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga sundalo habang hindi madetermina kung ilan ang sugatan sa hanay ng mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Ang mga bakas ng dugo na nakita ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro

Nagpapatuloy ang pursuit operations sa mga tumakas na rebelde.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon