Pagbabaklas sa mga election campaign materials nagsimula na sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagsimula na pagbabaklas ng mga election campaign materials ang Task Force Kaayusan at Kalinisan sa Legazpi City.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mark Andy Marbella, ang head ng nasabing opisina, nagsagawa na sila ng baklas operation sa Albay District para malinis na ang kalsada.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Aniya, aalisin lamang nila ang mga marurumi, nakakalat at nakakaislaw sa mata.

Pakiusap rin nito sa mga barangay na kung maaari ay kusa na nilang alisin ang mga campaign materials sa kanilang lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi rin nila papakialaman na tanggalin ang mga campaign posters na nasa pribadong establishmento.

Kung hindi rin matapos ngayon maghapon, maaari umano nilang ipagpatuloy ang pagtatanggal ng nasabing materials mamayang gabi.