Lone opposition Sen. Hontiveros, tiniyak na mananatili ang check and balance sa Senado

Tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros na mananatili pa rin ang independence ng Senado sa susunod na Kongreso.

Sa kasalukuyang partial and unofficial count kasi ng COMELEC, tanging si Hontiveros lamang ang nakapasok sa ‘magic 12’ mula sa oposisyon.

Sa isang panayam, sinabi ng Senadora na sa mga nagdaang Kongreso – bagamat maraming mga Senador ang ka-alyado ng administrasyon, napatunayan namang kaya pa rin nitong manindigan sa mga prinsipyo at paniniwala ng mga mambabatas, nang hindi naaapektuhan ang kanilang sinusuportahang gobyerno.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Aniya, sisikapin ng susunod na Kongreso na hindi maging ‘rubber stamp’ – o ‘yung magiging sunud-sunuran sa kagustuhan ng pangulo pagdating sa pagbalangkas ng mga batas .

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Pagsisiguro ng mambabatas, mananatili pa rin ang check and balance sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Dagdag pa nito, sisikapin niyang panatiliin ang independence ng Senado sa tulong na rin ng publiko na nakikilahok sa pagbabantay ng maayos na pamamahala sa Republika ng Pilipinas.
#