Pagbabago ng school calendar ng DEPED hindi dapat naka-angkla sa panahon

NAGA CITY – “Climate change is true, kailangang ang Department of Education na mismo ang mag-adjust, at hindi dapat naka-angkla sa panahon ang pagbabago ng school calendar”.

Ito ang binigyang diin ni Naga City Councilor Lito Del Rosario, Committee Chair  of Education sa lungsod, kaugnay sa muling pagpapatupad ng distance learning at pagbabago sa klase.

Aniya, kailangan na maintindihan ng DepEd maging ng publiko na ang climate change ay nariyan na, dahil napakasayang ng panahon at pagkakataon para sa mga bata, kung sa bawat ulan o mainit na panahon magsususpendi ng klase o may adjustment katulad ng distance learning na kailangan ng maayos na pagpaplano.

May ilang magulang din kasi na mas pabor kung ipagtuloy na lamang ang klase sa loob ng silid-aralan, maliban sa hindi natutukan sa bahay, pareho lang din ang sitwasyon mainit ang panahon, mayroon namang pabor sa distance learning.

Ayon pa sa Konsehal, kaya maging pagpapatayo ng paaralan sa lungsod, kinukonsidera na ang panahong maulan man o mainit komportable pa rin ang mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *