4Ps, pormal nang inilunsad sa Batanes

Pormal nang inilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa probinsya ng Batanes ngayong araw, April 15, 2024.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 2, mayroong 297 na aktibong benepisaryo ng 4Ps sa probinsya ang nakarehistro sa ilalim ng set 12.

Kasabay ng aktibidad ang pagpirma ng DSWD at Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes, LGU Basco, Ivana, Mahatao at Uyugan ng Specific Implementation Agreement.

Nakapaloob sa naturang kasunduan ang responsibilidad ng nabanggit na LGU sa epektibong pagpapatupad ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *