51 na kaso ng pertussis, naitala sa Cordillera Region

Nakapagtala ang Cordillera Administrative Region ng 51 na kaso ng pertussis mula unang araw ng Enero hanggang ika-30 ng Marso, taong kasalukuyan.

Batay sa datos, 32 ang naitala sa Baguio City, 18 sa Benguet at isa sa Kalinga kung saan wala namang naitala na nasawi dahil dito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang pinakabatang tinamaan ay anim na buwang sanggol habang 41-anyos naman ang pinakamatanda.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Inirekomenda naman ng DOH-Cordillera sa publiko na magsuot ng face mask kung mayroong nararanasang simtomas habang ang mga sanggol ay kailangang mabakunahan hanggang sa kanilang booster dose na libreng ibinibigay sa bawat health center.