Asahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa kalagitnaan ng susunod na buwan.
Sa ginanap na Agriculture and Food Security Summit 2024 sa Taguig, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may sobra pa daw kase sa mga inaangkat na bigas bukod pa sa dati ng stocks.
Sa oras na makarating ang mga imported na bigas sa merkado, maaring bumaba ng limang piso ang kada kilo ng bigas.
Una nang namonitor ng DA na patuloy ng bumababa ang presyo ng kada kilo ng bigas sa mga pamilihan dahil na rin sa pagbaba ng taripa mula 35% sa 15%.