Pasado alas siete ngayong umaga nang bulabugin ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City.
Pinalabas ang mga empleyado at pansamantalang isinara sa mga motorista ang harapan ng DFA o service road sa Roxas Blvd. at Libertad.
Nasa loob na ng tanggapan ang mga tauhan ng Pasay PNP-SWAT at K9 Unit ng Philippine Coast Guard para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y natanggap na bomb threat.
Ayon sa lead investigator ng Intelligence and Security ng DFA at Pasay City Police Investigation, mga empleyado umano ng embahada ng Pilipinas sa Canada ang nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email at inalerto ang DFA.
Wala pang ibinibigay na pahayag ang mga pulis at pamunuan ng DFA hinggil sa insidente.