PAGASA: Heat index sa ilang lugar – tinatayang aabot ng hanggang sa 47°C ngayong araw

Nakapapasong init pa rin ang mararanasan ngayong araw ng Huwebes.

Sa pagtataya ng PAGASA ang pinakamataas na heat index na mararanasan ngayong araw ay posibleng pumalo ng hanggang 47°C.

Maaari raw itong maramdaman sa Sangley Point sa Cavite, kung saan, narnasan din ang pinakamatinding init kahapon.

Pasok ito sa ‘danger’ category – ‘o ‘yung delikado na para sa kalusugan.

Sa oras na ma-expose ka nang matagal dito, maaari kang makaranas ng heat stroke, heat cramps, dehydration, at heat exhaustion.

Sa kabila ng matinding init, may tiyansa pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, bunsod ng muling pag-iral ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ

Dahil dito – asahan pa rin ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, kulog, at kidlat sa bahagi ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Samantala, ang pinagsamang epekto ng easterlies at localized thunderstorm ay magdadala naman ng katamtaman hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa nalalabing bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *