DOJ: Online sexual abuse sa mga kabataan – mas naging ‘accessible’sa mga perpetrators

Labas daw na naaalarma si Pangulong Bongbong Marcos sa paglobo ng mga kaso ng online child sexual abuse and exploitation (OSAEC).

Sa puling balitaan sa Malacañang – inilahad ang mga naging order ng Pangulo para labanan ito.

Sabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano – naglatag na ng order si Marcos sa DOJ at sa PNP na paigtingin pa ang crackdown laban sa OSAEC at sa child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM).

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang DILG naman ay inatasan na bumalangkas ng mga ordinansa para magabayan ang mga LGUs para rito.

Sabi ni Atty. Margarita Magsaysay, Executive Director, DOJ Center for Anti-Online Child Sexual Abuse, mas nagiging accessible na raw ang ganitong mga gawain lalo na sa mga nakatatandang kalalakihan mula sa mga English-speaking countries.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Mayroon na raw kasing mga kumakagat sa halagang P200-P300 kapalit lang ng mga malalaswang larawan ng mga kabataan.

Na-monitor daw nila itong talamak sa bahagi ng Cagayan de Oro, Iligan, at sa Taguig.

86% sa mga biktima ay mga batang babae; habang 14% naman ay mga batang lalaki.