Pag-veto ni Pangulong Marcos sa PNP Reform bill, dumaan daw sa maingat na konsiderasyon

Nag paliwanag ang Palasyo ng Malacanang, kasunod ng pag veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa PNP Reform Bill.

Dumaan daw sa maingat na konsiderasyon ng Pangulo ang desisyon nito upang matiyak na ang anumang pagbabago sa Pambansang Pulisya ay patas, malinaw at kapaki-pakinabang sa lahat.

Bahagi ito ng inilabas na pahayag kagabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Anya, ang panukalang PNP Reform Bill na magbibigay daan sana sa pagbabago sa sweldo ng mga pulis ay posibleng mag dulot ng unfair disparities sa mga opisyal.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Naniniwala daw ang Pangulo na mahalagang mapanatili ang pagiging patas at pagkakapantay-pantay ng compensation para sa lahat ng miyembro ng PNP.

Bukod dito, nakapaloob rin sa panukalang batas ang pagbuo ng bagong mga opisina sa loob ng PNP, na posible raw maging sanhi ng bureau-cracy at inefficiency.

Bagay na taliwas sa isinusulong na streamlining ng administration sa government services.

Ipinunto rin ng Palasyo na mahalagang mapanatili ng Internal Affairs Service o IAS, na responsable sa pagi-imbestiga ng police misconduct, na manatiling independent at impartial.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang isinusulong na pagbabago sa panukala ay posible raw na makaapekto dito.

May ilang bahagi rin daw ng bill na hindi malinaw gaya ng retroactive benefits ng mga opisyal.

Gayunpaman, matatag ang pangako ng Marcos administration sa commitment nitong suportahan ang PNP at sa pag tiyak na ang anumang reporma ay dapat parehong patas at epektibo.

Patuloy daw na nakikipag tulungan ang Marcos administration sa Kongreso upang makabuo ng batas na magpapalakas sa Pambansang Pulisya na hindi magdudulot ng negatibong epekto.