Traffic rerouting posibleng ipatupad sa ilang kalsada sa Goa, Camarines Sur, ngayong pasukan

CAMARINES SUR – Posibleng magpatupad muli ang Lokal na Pamahalaan ng Goa, Camarines Sur ng traffic rerouting sa ilang kalsada sa bayan lalo na sa Barangay San Juan Bautista, Gov. Jose Fuentebella National Highway, ngayong pasukan.

Sa panayam kay Police Staff Sergeant Richard Capuz, Information Officer ng Goa Municipal Police Station, sakali mang abutin ng pasukan ang kasalukuyang patrabaho ng Department of Public Works and Highways sa San Juan Bautista, lalo na’t hindi alam kung hanggang kailan ang konstruksyon, ito ang magiging plano upang mapaghandaan ang inaasahang bigat ng daloy ng trapiko lalo na’t ilang paaralan din mayroon sa naturang lugar na kasalukuyan ding one way ang daan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts
Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Bilang paghahanda pa, nagkaroon na din ng pakikipag-usap sa mga barangay na tutulong sa seguridad ng bata sa mga paaralan maliban pa sa mga traffic enforcer na katuwang sa batas trapiko sa bayan.