Pag- inspeksyon sa mga terminal at pampublikong sasakyan paiigtingin ng HPG sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Paiigtingin pa ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang pag inspeksyon sa mga terminal at pampublikong sasakyan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19.

Yan ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) kamakalawa na mayroon nang isang kumpirmadong kaso ng COVID- 19 Beta variant sa lalawigan o ang B.1.351  na unang na detect  sa South Africa noong May 2020.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay HPG Provincial Officer PMaj Joselito Quila inihayag nito na maliban sa kanilang regular na mandato nang pag inspeksyon sa mga terminal ay sinisiguro din umano nila na nasusunod ang health protocols.

May mga pagkakataon umanong nag iisyu sila ng violation ticket sa mga hindi nagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa mga driver.

 “Sa hanay naman po ng HPG eh yung mga regular mandate lang ho namin yung pinapatupad like yung pag- iinspection ng mga terminal and so on, pero syempre kasama na dun yung siguruhin na yung mga health protocols eh natutupad kasi nga di ba nanghuhuli tayo ng mga walang face mask, face shield, mga ganun,” ani Quila.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Gayunman may mga pagkakaton umanong kapag wala na sila ay may mga hindi na sumusunod sa health protocols lalo na ang social distancing measure sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

“Bale pag kami po nag- operate, pag nakita na po kasi yung mobil namin at uniporme namin, para ding kasi pong cat and mouse ang nangyayari.”

Kaya naman umapela si Quila sa mga driver na huwag ikompromiso ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero para lang magkaroon ng dagdag na kita.

Payo rin nito sa mga mga pasahero na kapag alam naman nilang naabot na ang capacity ng sasakyan ay huwag nang sumakay pa.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Maliban naman sa pag inspeksyon sa mga terminal at pampublikong sasakyan ay tinitiyak din ng HPG na hindi naabala ang pagpasok ng mga essential goods sa lalawigan.

Aniya, mula nang magismula ang pandemya ay ito na umano ang kanilang mandato na tiyaking hindi maantala ang pagpasok ng mga essential goods sa probinsiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Designated Control Point sa Tabugon.

Samantala, nakipag ugnayan na rin daw ang HPG sa Lokal na Pamahalaan para sa pagbabakuna sa kanilang mga personnel.

Kinumpirma rin ni Quila na mayroon nang dalawang miyembro ng HPG sa lalawigan na unang na- test na positibo sa COVID- 19 pero matapos ang series of test at quarantine period ay nag negatibo umano ang mga ito.