Kabayan action group ginawaran ng accreditation ng SB Basud

CAMARINES NORTE- Ginawaran ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ng accreditation ang Kabayan Action Group bilang isa sa civil society organizations sa naturang bayan.

Alinsunod ito sa Local Government Code of 1991 kung saan mandated ang mga Lokal na Pamahalan na i- promote ang pagtatag ng People’s Organizations, Non-Governmental Organizations at pribadong sektor sa isang lokalidad.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito ay upang maging kaakibat sa pagtataguyod ng local autonomy.

Sa ilalim ng batas, ang mga NGO’s, POs, at PSs, ay dapat mayroong kinatawan sa Local Special Bodies.

Ayon sa resolusyon ng konseho nakapag sumite umano ang grupo ng mga kinakailangang dokumento para sa hiling na accreditation base sa ginawang pag aaral ng komite.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dahil dito isa na ngayong accredited na Civil Society Organization ang Kabayan action group sa naturang bayan.

Ginawa ang awarding ng certificate of accreditation sa regular na sesyon ng konseho.