Pag-iisyu ng medical certificate sa mga indibidwal na wala namang karamdaman, diskresyon na ng doktor

SORSOGON CITY – Discretion o sariling pagpapasiya na ng isang doktor kung mag-iisyu ito ng medical certificate sa isang indibidwal kahit wala naman itong karamdaman.

Pahayag ito ni  Dra. Gladys Escote ng Department of Health (DOH)-Sorsogon, sa harap ng mga impormasyon na mayroong mga indibidwal ang nagpapagawa ng medical certificate sa kanilang mga kakilalang doktor para lamang makabilang sa prayoridad na mabakunahan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon dito, ‘call’ na ng isang doktor kung sa kabila na wala namang karamdaman ang isang inidbidwal ay iisyuhan niya ito ng nasabing sertipikasyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, sinabi ng opisyal na kung sakali mang nababakunahan ang nasabing mga indibidwal ito ay dahil wala namang pagpipilian ang mga nangangasiwa sa vaccination kundi tanggapin ang nasabing mga certificate dahil wala namang karapatan ang mga ito na kuwestyunin ang validity naturang medical certificate.