Canada, nagbigay ng P757-M to para sa educ, health-related initiatives sa PH

Inanunsyo ng Canadian government na nagdonate sila ng P757 million para tulungan ang education at health-related programs sa Pilipinas.

Ayon sa Canadian embassy, saklaw ng donasyon ang pitong bagong development assistance projects na ipapatupad sa bansa sa susunod na limang taon.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Dagdag ng Canadian Ambassador to the Philippines, Peter MacArthur, nakikiisa ang Canada sa mga Pilipino sa harap ng hindi inaasahang mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic, kabilang na ang negative physical, mental, social at economic effects na nararanasan araw-araw ng mga tao.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kaugnay nito, suportado rin umano ng naturang bansa ang mga partners sa gobyerno ng Pilipinas, civil society, at multilateral agencies sa pag-roll out ng wide range ng mga programa para mabawasan ang epekto ng pandemya at jump-start sa economic recovery. // MHEL PACIA-TRINIDAD