Pag- iingat kontra COVID- 19 sa mga bata responsibilidad na ng magulang

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na responsibilidad na  ng mga magulang ang gagawing pag iingat kontra COVID- 19 sa kanilang mga anak ngayong papayagan na silang lumabas ng bahay.

Batay kasi advisory ng Provincial Incident Management Team simula ngayong araw,  November 16 ay papayagan nang lumabas ng kanilang tahanan ang mga bata at menor de edad para maka access ng essential services.

Ang pamunuan naman ng mga mall sa lalawigan ay papayagan na ring pumasok ang mga bata

Pero nilinaw ni Dr. Francisco na siya ring Incident Commander for Health na hindi pwedeng pumunta ng mall ang mga kabataan nang walang kasamang magulang o guardian.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Aniya, nakapaloob ito sa advisory ng IMT na nagsasabing dapat may kasamang magulang o guardian ang mga bata at menor de edad kung lalabas ng bahay lalo na kung papasok sa mall.

Responsibilidad umano ng magulang ang kanilang mga anak upang hindi sila mahawa ng sakit.

Paalala pa ni Francisco na kahit niluwagan na ang mga restriction ay dapat pa rin aniyang mahigpit na sundin ang health procotols kontra COVID- 19 tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

“Hindi sila pwedeng pumunta mag isa sa mall, iyan po ay nakalagay doon na dapat sila ay may kasama ano, ibig sabihin mayroong responsibilidad ang kanilang guardians, ang kanilang parents no, para ipaalam dun sa kanilang mga anak yung risk na if ever na magpunta sila doon at wala silang bakuna ay pupwede silang mahawaan,” ani Francisco.

Ang paghahawa po ng COVID- 19 dahil sa droplets ano, so kapag sila’y lumabas kasama ang kanilang parents o guardian at sila po ay mayron pong protective gear like for example yung mask, face mask, so hindi lang nila aalisin yun kanilang katawan ay hindi man sila mahaawan.”