Lalaking gumahasa sa menor de edad na pamangkin arestado sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Kalaboso ang isang 45 anyos na lalaki na akusado sa kasong panggagahasa sa menor de edad na pamangkin limang taon na ang nakakalipas.

Sa ulat ng Philippine National Police, kinilala ang akusado na si alyas Arnel, binata magsasaka at residente ng Barangay Tuaca sa bayan ng Basud Camarines Norte.

Naaresto si alyas Arnel dakong alas 2 ng hapon kahapon sa naturang barangay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rene Morallo Dela Cruz na may petsang November 9, 2021 dahil sa kasong Rape in relation ng Republic Act 7610 o Child Abuse na walang rekomendadong piyansa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa PNP,  nangyari ang di umano’y pangagahasa ng suspek sa biktima noon pang 2016 sa tahanan ng una.

Muli namang iginiit ni Camarines Norte PNP Provincial Director PCOL Julius Guadamor na walang lugar sa lalawigan ang mga rapist at mapang abuso sa mga kabataan at kababaihan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Siniguro ng opisyal na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at mapapanagot ang sinumang nagkasala sa batas.

Nasa kustodiya naman ngayon ng Basud Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.