Limang banyera ng isda nakumpiska ng BFAR at Municipal Task Force sa isinagawang Anti- illegal fishing operation sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Nakumpiska ang hindi bababa sa limang banyera ng isda sa isinagawang anti -illegal fishing operation ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Municipal Task Force sa  karagatang sakop ng Capalonga Camarines Norte noong nakatalikod na linggo.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam itinurn- over nila ang mga nakumpiskang isda sa Lokal na Pamahalaan para sa kaukulang disposisyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon naman sa Lokal na Pamahalaan, nangyari ang naturang ilegal na Gawain sa loob ng fish sanctuary.

Noon pa man umano ay masusing binabantayan na ng LGU ang santuwaryo upang walang mga ilegalistang  makalusot.

Hangad ng naturang LGU na tuluyan nang matuldukan ang illegal fishing activities sa sa karagatang sakop ng naturang bayan tulad ng buli- buli.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kawawa kasi ang mga maliliit na mangingisda dahil halos wala na umano silang nahuhuli bunsod ng illegal na gawain.

Ipinamahagi naman ng LGU ang mga nakumpiskang isda upang mapakinabangan ng ilang residente at hindi masayang.