“Pabaho- baho” na kabataan, nambato at nanghabol sa Sports Complex, 3 huli

Dinampot ng Anti Crime Task force ang tatlong kabataan na nambato umano sa Puerto Princesa City Sport complex kagabi.

Ayon sa ulat ng ACTF, ang tatlo ay ilan lang sa kasama ng iba pang mga kabataan na nakipaghabulanpa  sa awtoridad matapos ireklamo ng pambabato at panghahabol sa mga motorista at dumadaan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nag-eedad ang mga nahuli ng 15-17 na mga residente ng Barangay Sta. Monica.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang tatlo ay dinala sa Tanod outpost ng Barangay Tiniguiban at doon napag-alaman na trip lang ang ginawa ng mga ito.

Agad na ipinatawag ang mga magulang ng kabataan at pinaalalahanan na maging responsable sa pag-aalaga at paggabay.