Nadagdagan ng pitong paaralan ang Zambales na nakikilahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa bansa.
Kahapon, araw ng Lunes ay nagsimula na ng klase ang Villar Integrated School, Cabatuan Integrated School, Poonbato Integrated School, Dalanawan Elementary School, Pili Elementary School, Buhawen Elementary School at Buhawen National High School na matatagpuan sa mga bayan ng Botolan at San Marcelino.
Ito ay matapos na pumasa sa mga panuntunan ng Department of Health at Deped para magsagawa ng in-person classes.
Matatandaan na una nang nagsimula ng klase ang sampong paaralan sa lalawigan na mula sa parehong dalawang bayan at isa sa San Felipe.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy:Punong Guro at SIC
