Paksyon ng PDP-Laban sa ilalim ni Pimentel, walang mga miyembro na may kakayahang mamuno – Mayor Sara

Binatikos ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang PDP-Laban dahil sa ilang mga desisyon nito na may kinalaman sa Eleksyon sa 2022 kung saan ay nadadawit ang kaniyang pangalan.

Sinabi ni Duterte-Carpio na dapat ay tigilan na nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel III at PDP-Laban Secretary General Ron Munsayac ang pagsisi sa kaniya kaugnay sa tinukoy nito bilang “sad state” ng ruling party.

Iginiit ng alkalde na hindi niya kasalanan na wala sa paksyon nila ang may kakayahang maging lider na maaring respetuhin ng mayorya.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Anya, hindi dapat siya ang sisihin sa nangyari sa kanilang partido na tila ay naging kasing babaw na ng isang sitcom.

Kung maalala ay sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na mas maituturing pa na miyembro pa ng PDP-Laban ang presidential daughter kumpara sa pambato nina Pimentel at Munsayac na si Senator Manny Pacquiao para sa pagka-Pangulo.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Mababatid na patuloy na nagtatalo ang pagksyon nina Pacquiao at Cusi para makuha ang kontrol sa PDP-Laban, na isang partido na inorganisa ng ama ni Pimentel, na si late Senator Nene Pimentel.

Matatandaan na nagsimula ang hidwaan sa pagitan ng dalawang paksyon mula nang suportahan ni Cusi ang posibleng presidential bid ni Duterte-Carpio, na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago.

Nagresulta rin ito sa desisyon ng grupo ni Cusi na alisin si Pacquiao mula sa kanilang partido.