P80,000 naipon sa ‘Brigadahan’ para sa 1 sa mga biktima ng bus bombing sa Koronadal

KORONADAL CITY — UMABOT sa P80,000 ang nalikom ng Brigada News FM Koronadal sa ginawang ‘Brigadahan’ para sa isang tricycle driver na nasugatan sa nangyaring pagsabog ng improvised explosive device o IED sa isang unit ng Yellow Bus Lines Incorporated o YBLI sa Koronadal noong Huwebes.

Naipon ang nasabing halaga sa pamamagitan ng cash donations ng mga taga-pakinig at supporters ng Brigada News Fm Koronadal na na-antig ang damdamin sa nangyari sa biktimang si Wilfredo Pino Sr., residente ng Barangay Magsaysay, Koronadal.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Matatandaan na namamasada si Pino at naka-sunod sa pinasabugan na bus ang tricyle nito dahilan upang tamaan ito ng mga shrapnel.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Naging emosyunal naman ang asawa nitong si Josephine Pino sa natanggap na cash assistance at lubos na nagpapasalamat sa lahat na tumulong sa kanila.

Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa operasyon si Wilfredo ds Southern Philippines Medical Center o SPMC-Davao dahil sa shrapnel na bumaon sa panga nito.(BNFM KORONADAL)
#