No. 9 provincial most wanted ng Masbate, huli sa Cavite

SORSOGON CITY – Naaresto sa Tanza, Cavite ang tinaguriang No. 9 Provincial Most Wanted ng Aroroy, Masbate sa isinagawang operasyon ng pinagsamang puwersa ng CIDG Rizal, RMFB4A, 34th SAF, Aroroy MPS at Masbate PPO noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang akusado na si Juan Tumlod Cordero, 46-anyos, Barangay Tanod at residente ng Brgy Malubi, Aroroy, Masbate.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 46 sa panibagong kasong murder.

Kung babalikan, si Cordero, na isang Barangay Tanod noon ay nakatakas bago pa man isilbi ng mga awtoridad ang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act noong taong 2018.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Nagsilbing mga saksi noon sa paghalughog sa kanyang bahay ang kanyang asawa at mga opisyal ng barangay.

Nakuha sa loob ng bahay nito ang isang kalibre .45 na pistola, magazine at limang bala.

Himas rehas na ito ngayon matapos na maipresenta sa kanyang court of origin.