P50k inilaang pabuya sa makakapagturo sa responsable sa pagpatay sa Grade 6 pupil sa Lagonoy

NAGA CITY- P50K ang inilaang pabuya para sa makakapagturo sa suspek o responsable sa pagpatay sa 11-anyos na Grade 6 pupil sa Sitio Pagsimbugan, Mapid Lagonoy Camarines Sur.

Ito ang sinabi ni Mayor JB Pilapil III sa flag raising ceremony kahapon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay PMAJ. Romeo Ranara , hepe ng Lagonoy PNP, tinitiyak nila na mapapangalagaan ang pagkakakilanlan ng magbibigay ng impormasyon. Maaaring tumawag sa 09183189108 o kaya ay personal na tumungo sa kanilang himpilan.

Sinabi pa sa Brigada News FM Naga ni Ranara na may tatlong person of interest na tinututukan at dumaraan na ang mga ito sa proseso.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Mababatid na Mayo 9 ng hapon  natagpuang ang 11-anyos na biktimang si Jean Antones sa may ilog ng nasabing barangay , may tama ng saksak  at wala nang buhay