Gayon Bacon 2023, nagsimula na ngayong araw

SORSOGON CITY – Opisyal nang nagsimula ngayong araw ng Martes, Mayo 16 ang Gayon Bacon 2023.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa isang Fun Run na ginanap kaninang alas 5:30 ng umaga.

Susundan naman ito ng isang booddle fight ng mga Barangay Officials ng Bacon mamayang alas 10:00 ng umaga na gaganapin sa Carican Beach Resort, Street Dance Competition mamayang ala 1:00 ng hapon sa Bacon Central School at Opening Concert and Fireworks mamayang alas 6:00 ng gabi sa Bacon Municipal Grounds.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Una rito, isinagawa na noong Mayo 14 at kahapon Mayo 15 ang mga pre-event ng selebrasyon tulad ng Kite Flying Competition, Mrs. KSBO Coronation Night at Gayon Bacon Fun Bike.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ilan pa sa mga aabangang aktibidad sa nasabing pagdiriwang na magtatagal hanggang sa Mayo 21 ay ang LGBT Basketball Tournament, Grand Santacruzan, Pasalinggaya, Bacon Bikinibabe 2023,  Summer Dance Party at marami pang iba.