Nagpakilalang kolektor ng ‘protection money’ ng City Permit and Licensing Office, arestado sa entrapment ops

Arestado sa ikinasang entrapment operations ng Sorsogon CPS ang 53-anyos na lalaki sa Brgy Poblacion, Bacon District, Sorsogon City.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nagpapakilala umano ang suspek na si Jose Higino Roces Maximino Jr, may asawa, self employed at naninirahan sa Brgy Piot, West District, Sorsogon City na siya ay isang collector ng ‘protection money’ ng City LGU Permit and Licensing Office.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bunsod nito, nagkasa ng entrapment operations ang Sorsogon City Police Station laban sa suspek.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Isang police ang nagpanggap na operator ng peryahan at nagbayad ng P20K sa nasabing suspek. Matapos na maiabot ang ‘boodle money’ ay agad na sinunggaban ng mga operatiba si Maximino.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong robbery extortion.