Nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan sa ilang lugar sa Mindanao para sa relief operations sa mga apektadong residente ng masamang panahon.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DSWD Asec. Irene Dumlao, sinabi nitong nakapamahagi na sila ng mga tulong sa mga pamilyang tinamaan ng ITCZ at habagat.
Samantala, karamihan aniya sa tinamaan ng southwest monsoon ay matatagpuan sa Region 12; habang karamihan naman sa mga naitalang apektado ng ITCZ ay nasa Lanao Del Sur, Maguindanao del Norte, Cotabato City, at Maguindanao del Sur.
Dahil aniya sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga otoridad sa Mindanao, agad itong nakapapamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.