Grupo, pumalag sa dagdag-singil sa kuryente ng MERALCO

Binigyang-diin ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana na hindi biro ang inanunsyong dagdag-singil sa kuryente ng Meralco.

Ayon kay Javellana, nakaaawa ang mga Pilipinong makararanas ng big-time power rate hike.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Karamihan aniya kasi sa populasyon sa Pilipinas ay covered ng Meralco.

Naniniwala rin ito na hindi nakatutulong sa ekonomiya ang hakbang ng Meralco.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Lalo lang umano nitong inilulubog ang bansa dahil nagkaroon ng deregulation at privatization mula sa generation patungo ng transmission, patungo ng distribution.

Sa huli, iginiit ni Javellana na walang kaunlaran na aasahan kung mahal ang presyo ng kuryente.